Linggo, Abril 7, 2013

Kung ako ang mamumuno sa mundo

Kung ako ang mamumuno sa mundo-
Ipagbabawal ko na ang Ampalaya
Ang nakakatamad na lunes ng umaga
Ang ineksyon at si Willie Revillame

Kung ako ang mamumuno sa mundo
mas maliwanag ang gabi
mas malaki ang pandesal,
at mas malaki ang minimum wage

Kung ako ang mamumuno sa mundo
Wala ng traffic, wala na ring sasakyan
Mas mura  ang load, gamot , tuition fee
At totoo si Santa Claus

Kung ako ang mamumuno sa mundo
Hindi ka na malulungkot,
Hindi ka na pagagalitan ng tatay
Hindi ka na sesermonan ng nanay
Hindi ka magkakaron ng magulang

Kung ako ang mamumuno sa mundo
Araw araw may bahaghari
Gabi gabi may alitaptap
Abot kamay lang ang ulap
At  madaling labhan ang maong



Kung ako ang mamumuno samundo
Ang halo- halo at hotdog ay gulay
Lahat ng artista kasing galing ni Maricel Soraiano
Ang taong minsan lang maligo, minsan lang magtoothbrush
Nangarap at sumulat na sana mamumuno sya ng  mundo ay pwede ngang

Mamuno sa mundo.




--------------------------------------
judith inspired. 2011

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento