Linggo, Abril 7, 2013

MANIKA 1993

Sa aking panaginip.
Kalaro kita
May dala dala kang manika
Bago, malambot at mataba
Na-ingit ang aking puso
Dahil sa wala akong nilalaro
Buti na lang sa pagmulat ko
Ginising ni nanay
Dala ang manika kong tunay!

Kung ako ang mamumuno sa mundo

Kung ako ang mamumuno sa mundo-
Ipagbabawal ko na ang Ampalaya
Ang nakakatamad na lunes ng umaga
Ang ineksyon at si Willie Revillame

Kung ako ang mamumuno sa mundo
mas maliwanag ang gabi
mas malaki ang pandesal,
at mas malaki ang minimum wage

Kung ako ang mamumuno sa mundo
Wala ng traffic, wala na ring sasakyan
Mas mura  ang load, gamot , tuition fee
At totoo si Santa Claus

Kung ako ang mamumuno sa mundo
Hindi ka na malulungkot,
Hindi ka na pagagalitan ng tatay
Hindi ka na sesermonan ng nanay
Hindi ka magkakaron ng magulang

Kung ako ang mamumuno sa mundo
Araw araw may bahaghari
Gabi gabi may alitaptap
Abot kamay lang ang ulap
At  madaling labhan ang maong



Kung ako ang mamumuno samundo
Ang halo- halo at hotdog ay gulay
Lahat ng artista kasing galing ni Maricel Soraiano
Ang taong minsan lang maligo, minsan lang magtoothbrush
Nangarap at sumulat na sana mamumuno sya ng  mundo ay pwede ngang

Mamuno sa mundo.




--------------------------------------
judith inspired. 2011

Gusto hindi masyado

Gusto mo ng maliit na pares ng hikaw
Kulay Gold
Binigyan kita ng pares ng tsinelas
Kulay Ube
Alam mong malulungkot ako kung hindi mo sya magugustuhan
Kaya’t nagtxt ka kung gaano mo sya kagusto.

Hindi masyado