Sa aking panaginip.
Kalaro kita
May dala dala kang manika
Bago, malambot at mataba
Na-ingit ang aking puso
Dahil sa wala akong nilalaro
Buti na lang sa pagmulat ko
Ginising ni nanay
Dala ang manika kong tunay!
Linggo, Abril 7, 2013
Kung ako ang mamumuno sa mundo
Kung ako ang mamumuno sa mundo-
Ipagbabawal ko na ang Ampalaya
Ang nakakatamad
na lunes ng umaga
Ang ineksyon at si Willie Revillame
Kung ako ang mamumuno
sa mundo
mas maliwanag
ang gabi
mas malaki ang
pandesal,
at mas malaki ang minimum wage
Kung ako ang mamumuno
sa mundo
Wala ng traffic, wala na ring sasakyan
Mas mura ang load, gamot , tuition fee
At totoo si Santa Claus
Kung ako ang mamumuno
sa mundo
Hindi ka na
malulungkot,
Hindi ka na
pagagalitan ng tatay
Hindi ka na
sesermonan ng nanay
Hindi ka magkakaron ng magulang
Kung ako ang mamumuno
sa mundo
Araw araw may bahaghari
Gabi gabi may alitaptap
Abot kamay lang ang ulap
At madaling
labhan ang maong
Kung ako ang mamumuno
samundo
Ang halo- halo at hotdog ay gulay
Lahat ng artista kasing galing ni Maricel
Soraiano
Ang taong minsan lang maligo, minsan lang
magtoothbrush
Nangarap at
sumulat na sana mamumuno sya ng mundo ay
pwede ngang
Mamuno sa mundo.
--------------------------------------
judith inspired. 2011
Gusto hindi masyado
Gusto mo ng maliit na pares ng hikaw
Kulay Gold
Binigyan kita ng pares ng tsinelas
Kulay Ube
Alam mong malulungkot ako kung hindi mo sya magugustuhan
Kaya’t nagtxt ka kung gaano mo sya kagusto.
Hindi masyado
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)